Layunin

          "Walang permanente dito sa mundo kungdi ang pagbabago". Yan ang katagang madalas na sinasabi ng mga taodito sa mundo ngunit ang mga pagbabago ay dapat nating gamitin sa pinakamagandang paraan. Isa sa mga pagbabagong mapapansin ngayon ay ang ating paggamit ng wikang Ingles. Ito ay mabuti sapagkat ito ay magandang paraan upang makipagusap at makipagkalakalan sa ibang dayuhan. Ngunit ang paggamit niyo ay dapat nating balansehin. Naipapakita natin na mas makatutulong sa globalisasyon ang paggamit ng wikang tagalog sa pakikipagusap sa ibang Pilipino sapagkat hindi lahat ng Pilipino maalam mag Ingles ngunit lahat tayo ay alam ang wikang sariling atin. Ito rin ay sumasalamin na tayong mga Pilipino ay pinapahalagahan ang sariling atin. Ito ay isang mahalagang elemento sa pag-unlad sapagkad sino pa ba ang tatangkilik sa sariling atin kung hindi tayo ang susuporta. Naniniwala kami na dapat nating ilugar ang paggamit ng Ingles. Ang hindi marunong bumalik sa pinangalingan ay walang paroroonan ito ay isa din sa mga katagang madalas nating binabanggit ngunit hindi naman natin ginagawa. Kung maibibilik lang natin ang ating paraan na pakikipagusap siguradong magkakaroon pa ng mas magandang pagunlad sapagkat ang komunikasyon ay nagpapakita sa mundo na tayong mga Pilipino ay nag-kakaisa upang maiangat ang ating bansa.

No comments:

Post a Comment