Rasyunal

          Sa panahon ngayun, mabilis na umuunlad ang bansa. Mabilis nang tumatakbo ang oras sapagkat masyado ng sagana ang mundo sa maraming pagbabago. Mayroong maganda at masamang pagbabago ang ating bansa. Isa sa mga nakukuha ng aming pansin ay ang masyadong pag-gamit ng mga Pilipino ng wikang Ingles. Ito ay nakakaalarma na sapagkat ilan sa mga kabataan ay hindi na pinapahalagahan ang ating sariling wika. Ang iba pa dito ay Ingles na ang nagiging basehang wika, madalas pa ay hindi na nila naiintindihan ang ilan sa mga matatalinghagang salita. Sa ngayun, ang mga nakakatanda ay hindi na masyadong naiintindihan ang mga salita ng kabataan na nagdudulot ng kakulangan sa magandang komunikasyon. Ito ay dapat na nating bigyan ng pansin sapagkat unti unti ng naapektohan ang ating bansa. Ito ay nag-dudulot ng hindi pagtankilik ng mga bagay na sariling atin. Masasabing ligtas na tayo sa mga mananakop ngunit ang kanilang mga naiwang kaugalian at paniniwala ay patuloy parin tayong sinasakop.

No comments:

Post a Comment